Wednesday, August 15, 2007

HAPPY BIRTHDAY SOM FAMILY

Ating balikan ang isa sa pinakamasayang araw ntin sa loob ng Sisters of Mary…

“Happy Birthday po Sister, Ate, Kuya!”

Pagkagising mo pa lang sobrang espesyal na ng araw mo sapagkat may matatanggap kang napakatamis ng ngiti at pagbati sa kadormmate mo. At mas lalong sisigla ka pag nakatanggap ka ng “hand made greetings card” , poem or song written in a stationery, letters cut ng pangalan mo w/ message sa likod…etc etc.. (lalo na pag galing sa bestfriend mo)

Gabi pa lang naihanda mo na ang pinakabago mong damit at sapatos para sa misang gaganapin sa araw na ito.

Masarap ang agahan. Hindi lang cia simpleng tinapay at saging na may kasamang isang basong gatas kundi Tasty Bread w/ Egg, Mayo & Condense Milk (dhil gagawin mo ciang Egg Sandwich) plus nde gatas kundi mainit na Kape ang inumin.

Malinis ang buong kapaligiran mula sa kasuluksulukan ng dormitory hanggang halamanan or basketball courts.

Kalimitan 9:00 am ang misa at maaga pa lang marami ng donors and benefactos ang dumadating. Ang karamihan sa kanila galing pa sa iba’t ibang sulok ng mundo.

At dhil epesyal nga ang araw na ito napakaganda ng dekorasyon ng gymnasium na gaganapan ng misa. Cardinal ang madalas nagccelebrate ng misa or delegates ng mga pari galing pa sa iba’t ibang bansa. Sadyang pinaghahandaan ng rondalya members at lhat ng bata ang kakantahin sa misang ito kung kaya’t lhat ng bisita napapahanga talaga sila. Minsan nga, isa sa kanila nagsabi na para daw kaming mga anghel na bumaba sa langit.

Pagkatapos ng misa ibibigay na ang mga regalong bagong damit, sapatos, gamit sa eskwela etc etc … na may kasamang junk foods, candies at giant rainbow colored lollipop.

Pagdating ng tanghalian sobrang sarap ng pagkain. Aroz Valenciana ang rice w/ friend chicken, vegetables, fruits etc etc etc… at syempre nde mawawala ang ice cream & cake na paborito ng lhat. Sa sobrang dami ng pagkain halos nde ka na makatayo sa upuan.

Sa hapon nman may program sa gym ksma ang mga bisita na pinagtatampukan ng rondalya members at dance group.

Tapos sa gabi may movie showing…

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails