Hindi ko po alam kung paano at sa anong paraan ako mas makakatulong sa isang taong naging malaking bahagi ng buhay ko habang akoy nag aaral sa malakumbentong paaralan ng Sisters of Mary School. Maaaring hindi ko pa po lubos ramdam ang pighating dinadanas niya ngayon sa kadahalinang akoy hindi pa isang ina pero batid ko ang hangarin niyang madugtungan pa ang kanyang buhay para sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang dalawang anak. Isa po siya sa naging tagapangalaga sa akin sampu ng aking mga kasambahay noon kaya po para sa isang butihing ATE ko noon lakas loob at buong pagpapakumbaba po akong humihingi ng inyong dasal at tulong pinansiyal na sanay marugtungan pa ang kanyang buhay nang sa ganun magkaroon pa siya ng panahon na makasama at mahalin ang kanyang pamilya.
Ngayon pa man nagpapasalamat na po ako sainyong mga dasal at kunting tulong na maiaabot para sa kanya. Nasa baba po ng kanyang liham kung saan puwede nyo pong ihulog ang kunting donasyon at kung hindi naman po puwede niyong ihulog sa aking paypal address: amyll_rhylleth(at)yahoo(dot)com. Maraming salamat po at naway pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Narito po ang kanyang liham....
Ngayon pa man nagpapasalamat na po ako sainyong mga dasal at kunting tulong na maiaabot para sa kanya. Nasa baba po ng kanyang liham kung saan puwede nyo pong ihulog ang kunting donasyon at kung hindi naman po puwede niyong ihulog sa aking paypal address: amyll_rhylleth(at)yahoo(dot)com. Maraming salamat po at naway pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Narito po ang kanyang liham....
Ako, TEOTIMA L. MENDOZA, kilala bilang TIMMY, edad 33, kasal kay FELIX GERONA, JR., may 2 anak; sina Biboy, 4 at Julie, 2, residente ng Brgy. Tagbakin, Tiaong, Quezon. Kasalukuyang dumaranas ng mabigat na pagsubok. Pagsubok na hindi kakayanin ng pamilyang meron ako. Dahil sa aking karamdaman. Isang sakit na lubos na susubok sa katatagan ng aming pamilya. Karamdamang susubok sa tatag at lalim ng aming pananampalataya. Isang sakit sa bato, CHRONIC KIDNEY DISEASE – END STAGE RENAL DISEASE.
1998, natanggap ako bilang Machine Operator sa isang Electronics Company sa Laguna. Pagkalipas ng 3 taon, nabigyan ako ng pagkakataong mapromote ng isang level bilang Production Clerk sa kompanyang pinapasukan ko. Sa panahong iyon, kumikita ako ng sapat para sa aking sarili at nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa pinansiyal na pangangailangan ng aking pamilya. Sapagkat malaki ang aming pamilya. Kapos ang kita ng aking ama bilang magsasaka, habang si Inay naman ay abala bilang ilaw ng aming tahanan. Noon, 2 pa lamang sa 8 kong mga kapatid ang may sariling pamilya, 6 ang nagsisipag-aral sa pampublikong paaralan.
2004, nang makilala ko si Boy, ang lalaking nagpamalas ng pag-ibig at pagmamahal sa akin. Sapagkat taglay niya ang mga katangiang hinahanap ko sa nais kong makasama habang buhay, hindi nagtagal nagpakasal kami.
2005, nagbunga ang pagmamahalan naming mag-asawa. Hindi naging madali ang aking unang pagbubuntis. Sa ika-3 buwan pa lamang, dumanas na ako ng pagdurugo (spotting). Kung kaya’t naging madalas ang pagliban ko sa trabaho sapagkat kinakailangan kong magpahinga. Noon, problema ko rin ang madalas na pagkakaroon ng UTI (Urinary Tract Infection). Halos kada buwan may UTI ako, sa kabila ng pag-inom ng mga gamot na reseta ng doktor at ng pag-iingat na aking ginagawa. Ika-8 buwan ng aking pagbubuntis, tuloy pa rin ang spotting. Hanggang dumanas ako ng sakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka. Tumaas din ang Blood Pressure kasabay ang pamamanas. Pre-eclamsia na pala ‘yon. Na-confine ako, habang nasa ospital napansin kong hindi na gumagalaw ang sanggol sa aking sinapupunan. Binawian nap ala ng buhay ang anak kong babae, sa edad na 8 buwan, sa aking sinapupunan.
Walang katumbas ang sakit na naramdaman ko ng sandalling iyon. Hindi ko matanggap na wala ng buhay ang supling na minahal at pinakaiingatan ko. Kinabukasan, isang uri ng gamot ang itinurok sa akin upang isilang ang patay kong sanggol in Normal Delivery. Subalit nabigo ako. Kinailangan ko ring sumailalim sa Caesarian Delivery, na nagdulot ng sakit sa buo kong pagkatao. Sakit sa isip at damdamin dahil sa pagkamatay ng aking anak, sakit ng katawan sanhi ng opera at sakit sa bulsa dahil sa malaking bayarin. Dito na ako nagsimulang mawalan ng trabaho. Nawalan na rin ng trabaho ang aking asawa dahil sa baba ng demand ng kanilang produkto sa pinapasukang pabrika. Hindi pa dito natapos ang aking problema. Tatlong lingo matapos ma-CS, muli akong ipinasok sa ospital. Dumanas ako ng matinding sakit ng ulo at pananakit ng dibdib. Noon, 2 bag na dugo ang isinalin sa akin dahil sa Anemia.
Sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko, kailangan kong muling bumangon at ituloy ang buhay. Makalipas ang 1 taon, muli akong nagdalang-tao. Gaya ng dati, matinding pag-iingat ang kailangan sapagkat sa ika-3 buwan ng pagbubuntis, spotting na naman ako. Complete bed rest ang hatol ng doctor. Bed rest hanggang makapanganak. Mahina ang kapit ng sanggol sa sinapupunan. Dahil dito, ang mahal kong asawa ang kumilos bilang ama at ina sa aming pamilya. Pagkatapos magtrabaho sa bukid, abala naman siya sa mga gawaing bahay at sa pag-aasikaso sa akin. Habang ako ay walang ginawa kundi mainip sa maghapo’t magdamag na paghiga. Naisin ko mang magtrabaho sa bahay, hindi pwede sapagkat buhay ng aming anak ang malalagay sa alanganin. Habang nakahiga, wala akong magawa kundi ang paulit-ulit ng tumawag sa panginoon. Paulit-ulit siyang papurihan, hingan ng tulong at awa para sa ikabubuti ng aming pamilya. Makalipas ang mahabang 9 na buwan, isinilang ko ang mahal kong anak. Isang malusog na sanggol na lalaki – si Biboy. Sa pagdaan ng panahon, namuhay ng simple ang aming pamilya. 2 taon ang lumipas, nagsilang akong muli, isang batang babae – si Julie. Tulad ng ibang bata, bagamat malusog, may mga pagkakataong dinadapuan din sila ng pangkaraniwang sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat.
Pebrero 2010, naging madalas ang pananakit ng aking ulo. Maraming beses akong nagpacheck-up sa Center na aming bayan upang maibsan ang sakit na naramdaman ko. Sa bawat pacheck-up “Mefenamic acid” ang resetang gamot sa akin.
Marso 2010, araw-araw na ang pagsakit ng ulo ko. Napansin ko, nawawala lang ang sakit tuwing iinom ako ng gamot. Subalit nanunumbalik ang matinding sakit pagkalipas ng 4 na oras. Paulit-ulit ang ganitong sitwasyon hanggang hindi ko na makaya ang sobrang sakit.
Marso 23, 2010 nagpasya ang aking asawa na magpageneral check up ako sa isang espesyalista – Internal Medicine. Noon ko lang nalaman, High Blood pala ang rason ng sakit ng ulo ko. Ayon sa resulta ng Blood Chemistry ko, 517.7 umol/L ang Uric Acid sa aking katawan, samantalang 140-340 umol/L ang kailangan ko. Ito na rin ang dahilan ng “Enlargement of the Heart” kung kaya hinahapo ako at madaling mapagod. 3 buwan akong uminom ng resetang gamot bago tuluyang bumaba sa Normal ang Uric Acid ko. Ipinagtataka ko lang, sa kabila ng pagbaba ng Uric Acid, High Blood pa rin ako. Patuloy pa rin ang sakit ng ulo ko. Nadagdagan pa ng madalas ng pagsusuka at labis na pananakit ng buong katawan na para bang nalalason.
July 1, 2010 muli akong kumunsulta sa doctor. Laking gulat ng doctor ng makita ang huling resulta ng Blood Chemistry at Whole Abdomen Ultrasound ko. Biglang tumaas ang Blood Urea Nitrogen, (3/23/2010 = 47 mg/dl, 7/01/2010 = 120 mg/dl) kasabay ng pagtaas ng Creatinine (3/23/2010 = 1.4 mg/dl, 7/1/2010 = 3.5 mg/dl) ang nakakalungkot pa bumaba na rin ang aking Hemoglobin, Hemocrit at Segmenters. Reseta ng maraming gamot ang ibinigay sa akin. Ganundin ang listahan ng maraming pagkain at inumin ng ipinagbabawal sa akin.
July 22, 2010 follow up check up, sa kabila ng pag-inom ng 9 na uri ng gamot nanatiling mataas ang presyon ko at lalo pang tumaas ang Blood Urea Nitrogen (195 mg/dl) at Creatinine = 7.3 mg/dl) sa aking dugo. Ramdam ko ang lungkot ng aking doctor habang ginagawa ang referral letter, isang sulat sa kapwa doctor na naglalaman ng aking kundisyon.
July 23, 2010 si Dr. Abcede – Internal Medicine – Nephrology ang nagpaliwanag sa akin ng tunay kong kundisyon. May sakit ako sa bato – CHRONIC KIDNEY DISEASE – END STAGE RENAL DISEASE. Isang uri ng sakit sa bato kung saan ito ay unti-unting nagagasgas hanggang lumiit at maubos, dahilan upang hindi na nito magampanan ang mahalagang gawain nito sa katawan ng tao, ang magsala ng dumi sa dugo.
Sa kasalukuyan, 2 ang Kidney kong hindi na gumagana. Ayon sa doctor, wala ng ibang paraan upang gumana o muling maisaayos ang nasira kong mga bato. Wala na akong pag-asang gumaling. Tanging Kidney transplant na lang ang aking pag-asa. Isang prosesong nangangailangan ng malawakang pagkilos, mahabang panahon at napakalaking halaga ng salapi upang maisakatuparan. Habang naghihintay ng Kidney donor, kailangan kong sumailalim sa Dialysis, 2 beses kada Linggo, upang maiwasan ang pagkalason.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng sandalling nalaman ko ang tunay kong kundisyon. Agad akong nagtungo sa CR. Hindi ko napigil ang sobrang pighati. Alam ko ang hirap at sakit na maaaring idulot ng aking karamdaman. Pagkalabas ng CR, nagtungo ako sa Chapel, subalit hindi ko nakuhang magdasal. Umiyak lang ako nang umiyak. Sa sobrang kalungkutan, mas nanaisin ko pa ang mamatay kaysa dumanas ng sobrang pagdarahop ang aking pamilya sa pag-aalaga at pagpapagamot sa akin. Patuloy ang pananakit ng aking katawan na lalo pang pinanghina ng padalas nang padalas na pagsusuka, hanggang hindi ko na magawang kumain kahit lugaw. Tiniis ko ang lahat ng sakit sapagkat ayoko ng Dialysis.
August 4, 2010, gabi, dinala ako sa pampublikong ospital dahil sa sakit ng tiyan. Matapos turukan ng Buscopan, patuloy pa rin ang sakit at pagsusuka ko. Ayon sa doctor, kailangan ko talagang magpadialysis. Ayoko, wala akong pera. Naisip ko, makakapagdelihensiya kami sa unang Dialysis, ngunit paano sa ika-2 at sa mga susunod pa. Pinauwi rin ako ng doctor.
Aug. 5, 2010, 7 am, bagamat magdamag na hindi nakatulog dahil sa sakit, pinilit kong bumangon. Hindi na ako makabangon. Noon ko naramdaman ang pinakamatinding sakit ng tiyan sa buong buhay ko. Sa sobrang sakit, hiniling ko sa Panginoon na kunin na ako. Ngunit hindi ako pinagbigyan. Nilapitan ako ng aking asawa, ni ayaw kong pahawak sa kanya dahil sa sobrang sakit. Paglapit niya, bigla kong nasabi, “Pa, sakalin mo na lang ako.” Natigilan ang asawa ko na noo’y walang nagawa kundi lumuha. Ilang sandali pa, isinugod akong muli sa ospital. Gaya ng inaasahan, Dialysis pa rin ang hatol ng doctor. Matapos turukan ng gamot nabawasan ang pananakit ng aking tiyan. Subalit hindi tuluyang napawi ang sakit nito. Wala na akong nagawa kundi ihanda ang sarili sa Dialysis. Noon, 14.4 mg/dl ang Creatinine ko.
Aug. 9, 2010 discharge na ako. Sa laki ng bayarin sa ospital at sa mahal ng mga gamot, lugi man, napilitang ang kapatid kong si Albert na ibenta ang 2 bakang paalaga niya. Si Ate Nenet, sa kagustuhang makatulong, buong tiyagang inasikaso ang mga papel na kailangan upang humingi ng tulong sa PCSO-Lucena. August 10, 2010, 38th birthday ni Ate, binigyan siya ng PCSO ng P7,000.00. Bagamat maliit na halaga, malaking tulong na rin sa tulad kong said na said ang bulsa kapapagamot. Aug. 11, 2010 sa pagtutulungan ng buong pamilya, nakabayad na rin ako sa ospital. Umuwi ako sa aming bahay. Nang Makita ako ng aking pamilya at mga kapitbahay, gayon na lamang ang kanilang pagkahabag dahil sa tubong nakatanim sa aking leeg na nagsisilbing daluyan ng dugo para sa Dialysis. Buong pagtataka naming nag-usisa ang aking mga anak. Nasabi pa ni Biboy, “Nanay magaling ka na? Ipinag-pray kita kagabi, sabi k okay Lord, pagalingin ka na.” Mga katagang umantig sa aking puso. Napagdesisyunan naming mag-asawa na magpagaling ako sa aking mga magulang. Doon, walang batang hahawak sa aking leeg na posibleng pagmulan ng aksidente. Nakita ako ng aking mga anak na paalis ng bahay. Todo ang kanilang pag-iyak. Nais nilang sumama. Masakit man, tumalikod pa rin ako patungo sa aking mga magulang para sa aking kaligtasan. Madalas, hinahanap ako ng aking mga anak. Dinadalaw nila ako. Sa bawat pag-uwi nila, umiiyak ang mga bata. Ayaw nilang umalis. Ayaw nila akong iwan. Naghahanap sila ng aruga at yakap ng isang ina. Wala akong magawa kundi ang lumuha at magpakatatag, taglay ang pag-asang gagaling pa ako, para sa aking pamilya. Sapagkat ang asawa ko ang nag-aalaga sa 2 naming anak, hindi na siya makapaghahanapbuhay. Tanging maliit na tindahan sa bahay ang kanyang pinagkakakitaan. Dahil madalas kong kunin ang benta upang ibili ng gamot, halos naubos na rin ang kapital. Nabenta na rin ang tricycle na tanging gamit niya sa pamimili mula sa bayan.
Dialysis, oral at insectable medicines, blood transfusion, tamang paghahanda at pagpili ng pagkain, disiplina sa sarili, lakas ng loob, pagmamahal ng pamilya, malasakit ng kapwa at pananalig sa Diyos; ang lahat ng ito na lamang ang nakikita kong nagbibigay-buhay sa akin.
Bilang Kidney patient, gumagastos ako ng P10,000.00 kada Linggo. Isang paggastos na imposibleng kayanin ng isang pamilyang kinabibilangan ko, mahirap na magsasaka.
Dahil dito, humihingi po ako ng tulong, malasakit at awa mula sa inyo, upang kahit paano, marugtungan pa ang aking buhay. Upang magkaroon pa ako ng pagkakataong makasama, mahalin at paglingkuran sa abot ng aking makakaya ang aking pamilya, lalong higit ang 2 kong anak, na lubhang nangangailangan pa nga gabay, aruga at pagmamahal ng isang ina.
Lubos ko pong ipagpapasalamat anumang tulong na ipagkakaloob ninyo sa akin, upang ipagpatuloy ang aking Dialysis, ang aking buhay.
Nagpapasalamat,Timmy
Para sa mga donasyon:
LANDBANK OF THE PHILIPPINES TEOTIMA MENDOZA GERONA Acct. # 2616060352 Cel. No. 0910-7444646
No comments:
Post a Comment