Monday, September 05, 2011

A NOTE TO NANAY

After a month and a half, i'm still wishing that it was just a dream...that i'm gonna see her still as she promised. But no! it's real and that i would never see her again.

I cried so hard for how many days when she finally rested her tired body. I have so much guilt in me that for the long years of being here in abroad i have not given her a treat or the life she deserves on her last days. I know she understands and I know Mama had been there to take care of her or support her in small things but as i say it wasn't enough for someone who have been there for me when i was growing up.  

It's so sad that sometimes we only realize things when it's too late...though i know she understands me more than anyone else in the family but i wish i could have done things before she left me/us.

Nay,

Ang daya daya mo Nay…sabi mo ikaw pa mag aalaga skin pag nagkababy ako…siguro nainip ka na sa kahihintay kaya iniwan mo na ako. Lungkot na lungkot ako Nay kasi hindi ako handa sa pamamaalam mo…hindi ko inaasahang hindi na pala tayo magkikita. Ang dami ko pa sanang gusto para sayo. Sabi ko pag uwi ko kakain tayo sa labas at ibibili kita lahat ng gusto mo at pag nagkababy ako lalo na't babae magpapapicture tau nina Mama at ng baby ko at ilalagay ko doon na caption "the generation".

Mamimiss ka ng paborito mong apo Nay. Hindi mo man sinabi sa akin pero alam ko at ramdam ko na ako ang pinakapaborito mong apo kasi kahit salbahe ako noon sayo pero mahal na mahal mo ako. Minsan naiisip ko siguro sayo ako nagmana kasi naiintindihan mo ako sa mga kamalditahan ko.

Naaalala mo pa ba Nay yung mga panahong tayo lang lagi magkasama…noong bata pa ako. Akay akay mo ako kahit saan ka pumupunta or nanggagamot ka, na kung saan inaalalayan kita pag pauwi na tayo dahil lasing na lasing ka tapos pagdating sa bahay panay ang tawag mo sa akin na kunin ang nganga mo kahit nasa harapan mo na.

Sa dami mong apo ako lang yata ang nakurot mo ng marami marami dahil sa sobrang kulit ko, ako lang din yata yung nakakatulog habang nagdadasal tayo ng rosaryo at novena de salvacion…ung madalas mong tingnan sa gabi para ayusin yung kumot ko or ipasok sa loob ng kulambo dahil sa sobrang likot ko matulog...ung matiyaga mong binabantayan habang maysakit ako at nilalapatan ng mga gamut galing sa katas ng mga dahon dahon…ung madalas mong mapagalitan dahil matagal akong makabalik tuwing uutusan mong bumili sa tindahan…

Hanggang sa lumaki ako at napahiwalay sayo ng medyo matagal…pagbalik ko ikaw pa din ung dating Nanay na meron ako...maaalalahanin lagi sa akin. Maraming beses din akong naging pasaway sayo at inaaway kita pero hindi mo ako natitiis.

Ngayong wala ka na Nay mamimiss ko lahat ng alaala natin. Siguro hindi ko agad agad matatanggap ang pagkawala mo pero okay lang ako…kaya ko toh. Dadalawin na lang po kita paguwi ko.

Alam ko nasa masaya at tahimik na kayo sa kinalalagyan nyo ngayon pero sana Nay palagi nyo pa rin akong/kaming gagabayan. Mananatili po kayo sa puso't isipan naming lahat.

Salamat Nay at ikaw ang naging Lola ko! Mahal na mahal na mahal kita!

Bhing


Can't help but cry everytime i read this....Love you Nay...I miss you so much:)

1 comment:

kim said...

that was so sad.. my condolences. left you a KI$$, girl. hope a get one back, thanks..

by the way, do you mind checking out on The Applicant?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails